CHECK THIS OUT:

Search

Mag-asawang bulag, patuloy sa pagkayod para sa 8 mga anak


Sa kabila ng kanilang kapansanan, hindi nagpapaawat sa pagsisikap ang dalawang mag-asawang parehong bulag magampanan lamang ang kanilang responsibilidad na maitaguyod  ang kanilang walong mga anak.


Ang mag-asawa ay kasalukuyang naninirahan sa Mabalacat, Pampanga. Lahat ng kanilang anak ay isinilang naman nang normal at walang kapansanan.


Sa ulat ng ABS-CBN News noong Pebrero, naibahagi na ang padre de pamilya na si Julies ay isang singer habang masahista naman ang misis nitong si Marivic.


Dahil sa pandemya, naapektuhan din ang kani-kanilang mga trabaho gayunpaman maayos na nairaraos ng mag-asawa ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga supling kahit pa wala silang kasambahay.


Sa  kasalukuyan, kumakanta online si Julius kasama ang "Banda Alyansa Kapampangan" at nagsisilbi ring frontliner sa Sangguniang Panlungsod ng Mabalacat. 


Mayroon din silang mga mabubuting kaibigan na nagpapa-abot sa kanila ng tulong upang maitaguyod ang kanilang buong pamilya.


Bagama't kapwa hindi normal sina Julius at Marivic, taas noo pa rin silang ipinagmamalaki ng kanilang mga anak dahil sa kanilang walang katulad na pagmamahal.


"Sobrang proud po ako kasi napapakain kami nang maayos," sabi ni Janella, isa sa kanilang mga anak.

No comments:

Post a Comment