CHECK THIS OUT:

Search

Lalaki, pinagsasabay ang 30 girlfriend gamit ang mga dating app



Ngayong pandemya, marami ang humahanap ng paraan upang makaiwas sa pagkabagot sa loob ng kani-kanilang tahanan. Ngunit kakaiba naman ang naging trip ng isang lalaking ito dahil ang naging kaniyang  boredom solution ay ang pagkakaroon ng  hindi bababa sa 30 girlfriend nang sabay-sabay.


Isa sa mga nabiktima ng lalaki ay si Liezl Chu na naglakas ng loob na ibahagi sa social media ang ginawang panloloko sa kaniya ng kaniyang ex-boyfriend.


Ngunit ang pagbabahagi niyang ito ay naging tulay pa para malaman niya kung gaano katindi ang ginawa sa kaniya ng lalaki na nakilala niya sa isang dating app.


Ayon kay Chu, hindi bababa sa 30 babae ang nakipag-usap sa kaniya at umaming maging sila ay nabiktima ng parehong lalaki.


“Nu’ng month namin, ina-alternate pala niya. So kunyari this day, then tomorrow, then ako,” sabi ni Chu sa kaniyang panayam sa programang "Stand for the Truth" ng GMA.


Dahil pare-pareho ang kanilang naging karanasan, naging magkaibigan sina Chu at ang mga kababaihan na kaniyang nakilala. Gumawa pa nga sila ng groupchat kung saan maaari nilang pag-usapan ang kanilang mga nararamdaman.


“Ang intensyon ng group chat is ma-validate ‘yung feelings namin. Si guy nga magaling siya mag manipulate, baka akala nila nung time na ‘yun baka sila ‘yung nag-crazy,” saad ni Chu.


“The fact na marami palang babae ‘yung nag-speak up tapos pare-parehas ng experience, nakakalakas ng loob,” dagdag niya.


Source: GMA News





No comments:

Post a Comment