CHECK THIS OUT:

Search

Friendship goal: 2 lola na mag-bff, sabay na nakapagtapos ng senior high school

"Friendship goal' kung maituturing ang dalawang mag-bestfriend mula sa Cuyapo, Nueva  Ecija na nakapagtapos ng senior high school sa kabila ng kanilang edad na 85 at 75.


Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Biyernes (Hulyo 30), nabanggit na nakapagtapos si Lola Amparo Bergonia, at Lola Elena Briones ng senior high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) programa ng Department of Education (DepEd).


Pangarap pa nga raw ng dalawa na maging guro. Iyon nga lang, dahil sa edad, masaya na raw si Lola Amparo na siya ay naka-graduate ngunit si Lola Elena, target pa ring makapagturo ng mga matatandang nais magpatuloy ng pag-aaral.


Tulad ng mag-BFF, pursigido rin makapag-aral muli at makapagtapos ng kanilang kapitbahay na si Lolo Marcelino Jose, 78-anyos.


Bagama't isang Person With Disability (PWD), hindi natitinag ang kaniyang pangarap na balang araw makapagsuot din ng toga tulad nila Lola Amparo at Lola Elena.


No comments:

Post a Comment