CHECK THIS OUT:

Search

Sundalong nasawi sa C-130 crash, mas unang ipinaligtas ang kasamahan kaysa sa sarili

Saludo ang publiko at ang mga naiwang pamilya ni Technical Sgt. Mark Anthony Agana, isang aeromedic na nasawi sa Sulu plane crash kamakailan, dahil sa kabayanihan na kaniyang ipinamalas sa kabila ng kagipitan.


Si Mark ay kasama sa mga sakay ng C-130 na naaksidente nito lamang Linggo (Hulyo 4) matapos lumipad patungong Patikul, Sulu.


Ayon sa kaniyang kapatid na si Maricris, kinwento umano ng kasamahan ni Mark na isa dapat siya sa mga unang isasakay sa ambulansiya ngunit mas pinauna niyang iligtas ang isa pa nilang kasama na malubha ang kalagayan.


Naidala rin naman sa pribadong ospital si Mark kung saan siya ipinagamot pero sa huli hindi rin naisalba ang kaniyang buhay.


Nakatakda pa naman sanang magretiro ang sundalo sa susunod na taon matapos ang kaniyang 20 taong serbisyo. 


Plano sana niya at ng kaniyang asawa na si Eden na magtayo na lamang ng negosyo upang hindi na sila mahiwalay sa isa't-isa kasama ang dalawa nilang anak na kapwa bata pa.


Ngayon, nais sanang malaman ng pamilya kung nabuhay ba ang sundalong pinagbigyan ni Mark sa ambulansiya dahil para sa kanila, isang kabayanihan ang ipinamalas ng kanilang kaanak.


Source: ABS-CBN News

No comments:

Post a Comment