CHECK THIS OUT:

Search

Lola patay matapos barilin ng lasing na pulis sa Quezon City

Patay ang isang 52 anyos na matanda mula sa Sitio Ruby, Barangay Greater Fairview, Quezon City matapos siyang barilin ng isang lasing na pulis nito lamang Lunes (Mayo 31).


Kinilala ang biktima bilang si Lilybeth Valdez at ang suspek bilang si Police Master Sgt. Hensie Zinampan ng Police Security and Protection Group. 


Base sa nakuhang video ng pamamaril, pasado alas-9 ng gabi nang lumabas ang biktima sa kanilang bahay upang bumili ng sigarilyo sa kalapit na tindahan.


Sinundan siya ni Zinampan at kitang-kita na may hawak itong baril sa kaniyang likuran. Maya-maya pa ay ikinasa ito ng pulis at saka sinabunutan ang lola.


"Nung pagkasabunot po kay ante Susan sabi po, 'sir wag niyo naman po ako sabunutan'...Pagkasabunot kay ante sa buhok binaril po kaagad siya," saad ni Joanne Luceño, kaanak ni lola Lilybeth at saksi sa nasabing insidente.


Ayon sa anak ng biktima na si Beverly Luceño, matagal ng may alitan ang suspek at ang kaniyang ina. Pinagbantaan na rin daw ni Zumampen noon ang matanda.


Hawak na ngayon ng Quezon City Police District ang suspek na kakaharap sa kasong murder. Kahit na huling-huli na ang ginawang krimen itinatanggi pa rin nito na siya ang pumatay sa biktima.


Source: ABS-CBN News

No comments:

Post a Comment