CHECK THIS OUT:

Search

Mag-ina, patay habang naglalaba dahil sa extension na nahulog sa tubig


Patay ang isang mag-ina mula sa Malinao, Albay habang naglalaba matapos makuryente  nang aksidenteng mahulog sa tubig ang extension ng isang sasaksakan.


Ayon sa ulat ng GMA News "Balitanghali," lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na naglalaba ang inang si Asuncion Bonagua,51,  gamit ang washing machine dakong alas-9 ng umaga.


Maya-maya pa, biglang nahulog ang extension wire dahilan upang siya ay makuryente.


Sinubukang siyang sagipin ng kaniyang anak na si Ayen,13, ngunit maging ito ay nakuryente rin.


Isinugod ang mag-ina sa hospital ngunit idineklara silang dead on arrival. Kasalukuyan na ngayong nakaburol ang mga ito sa kanilang tahanan.


Babala ng Albay power and Energy Corporation sa mga gumagamit ng electrical appliance, maging maingat lalo pa kung basa o may tubig sa kanilang paligid.

No comments:

Post a Comment