Labag man sa kanilang kalooban, karamihan ngayon sa mga driver at konduktor ng bus ay namamalimos na sa halip na nangongolekta ng pamasahe mula sa kanilang mga pasahero.
Ayon sa ulat ng GMA News, nagsimula ito magbuhat noong magsulputan ang mga EDSA Carousel Bus na nagbibigay ng libreng sakay sa mga authorized persons outside of residence (APOR).
Base sa mga konduktor na nakapanayam ng GMA News, hindi na sila pinapapasok ng kani-kanilang kompanya dahil nga sa mga Carousel Bus.
"Limang linggo na kaming ginugutom ng gobyerno kaya ngayon humihingi kami ng tulong-suporta at labag man sa kalooban namin ito, kapit na kami sa patalim," pagbabahagi ni Philip Elequin, isa sa mga konduktor na namamalimos ngayon sa mga pasahero.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang mga libreng sakay para sa mga APOR ay bahagi ng kanilang Service Contracting Program na layong suportahan ang mga public utility vehicle (PUV).
Gayunpaman, wala pang pahayag ang ahensiya patungkol sa isyu ng mga driver at konduktor.
Good Morning...LordMostHighGod, KingMaster, Boss HeavenlyFather. As for me and my family we will serve
ReplyDeleteChrist with love, righteousness, kindness, favour and strenght. Happy, healthy and workin. Christ almighty seated at the right hand of God interceeding for us cause us to be born again to a living hope thru the resurrection of our LordJesusChrist be glory, honour, service and testimony forevermore. This is the day that the Lord has make we shall be glad and rejoice in it. Thanks for keepin in touch, understanding and open communication. Family, co-worker, prayer, gospel...T. Lu Jane