CHECK THIS OUT:

Search

Pamilya sa Pangasinan, nasunugan ng bahay habang pinaglalamayan ang yumaong ama

 


Doble ang pasakit na nararanasan ngayon ng isang pamilya mula sa Barangay Angatel, Urbiztondo Pangasinan dahil bukod sa namatayan na sila ng ama ay nawalan pa sila ng matitirhan matapos masunugan.


Ayon kay Carl Alcaide, isa sa mga miyembro ng pamilya, pumanaw ang kanilang padre de pamilya noong Abril 13 sanhi ng highblood.


Dahil dito, ibinurol nila ang ama sa kanilang mismong tahanan upang paglamayan.


Sa ika-anim na araw ng burol ay bigla na lamang umano sumiklab ang sunog sa kanilang tahanan.


Base sa ulat ni Russel Simorio ng GMA News, isang napabayaang kandila ang naging sanhi ng sunog na lumamon sa kanilang buong tahanan.


Sa bilis ng pagkalat ng apoy ay halos wala na ring naisalbang gamit ang pamilya.


May mangilan-ngilan ng nagpaabot sa pamilya Alcaide ngunit pagtataka ng ilan, bakit pa  hinayaang iburol ng hanggang anim na araw ang kanilang padre pamilya lalo pa ngayon na mayroong pandemya.


Gayunpaman, marami ang humihiling na sana ay muling makabangon ang pamilya at huwag mawalan ang mag ito ng pag-asa.

PAMILYANG PINAGLALAMAYAN ANG YUMAONG AMA, NASUNUGAN PA NG BAHAY‼️ Doble bangungot ang pinagdadaanan ng pamilya Alacaide...

Posted by Russel Simorio GMA on Wednesday, April 21, 2021

No comments:

Post a Comment