CHECK THIS OUT:

Search

Mag-ina nasunog ng buhay matapos lamunin ng apoy ang bahay sa Sta. Cruz, Manila

 

Patay ang isang mag-ina sa Elias Street, Sta. Cruz, Manila matapos sumiklab ang apoy sa kanilang tahanan nito lamang Miyerkoles (Abril 28) dakong 6:18 ng umaga.


Kinilala ng  Bureau of Fire Protection, ang mga biktima bilang sina Precious de Leon, anim na taong gulang, at ang kaniyang ina na si Frencelyn De Leon, 36-anyos.


Ayon sa ulat, na-trap ang mag-ina sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan na gawa lamang sa kahoy. 


Kwento ng mga saksi, nakarinig sila ng mga putok sa loob ng bahay na inuupahan ng pamilya De Leon.


Maya-maya pa ay nakita na nilang nagliliyab ang tahanan habang ang mag-ina ay nakakapit sa kanilang bintana at naghihingi ng tulong.


Sa laki ng apoy, wala rin magawa ang mga saksi upang tulungan ang mag-inang na-trap sa loob ng bahay hanggang sa ang mga ito ay tuluyan na ring lamunin ng apoy.


Sa kabilang banda, ang padre de pamilya ay naisugod pa sa ospital ngunit hindi malinaw kung ito ba ay nakaligtas.


Umabot pa sa ikalawang alarma ang apoy bago naapula noong ganap na 6:55 ng umaga.


Sa kabuuan, aabot sa P100,000 ang naitalang pinsala ng apoy. Isa rin ang naitalang sugatan  maliban sa mga pumanaw na biktima at limang pamilya naman ang naapektuhan.


Hanggang ngayon ay iniimbesitgahan pa ng BFP ang pinag-ugatan ng sunog.

No comments:

Post a Comment