CHECK THIS OUT:

Search

Bata, patay matapos makuryente sa headset ng isang computer shop


Patay ang 13-anyos na bata mula sa Sara, Iloilo matapos nitong gamitin ang sirang headset sa isang computer shop na kaniyang pinuntahan noon lamang Linggo (Pebrero 14).


Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, inabisuhan naman ang binatilyo ng may-ari ng computer shop na huwag gamitin ang headset dahil sira ito.


Ngunit sa kabila ng paalala, ginamit pa rin bata  ang naturang headset. Dito na siya nakuryente at nangisay hanggang sa namatay.


Sinubukan namang tulungan ng iba pang mga tao sa computer shop ang biktima ngunit maging sila ay nakuryente dahilan upang sila ay bumitaw.


Handa naman raw tumulong ang may-ari ng computer shop sa pagpapalibing sa bata ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang dahil kung bakit naroon pa rin ang headset gayong alam naman palang sira na ito.

No comments:

Post a Comment