CHECK THIS OUT:

Search

16 years old na babae, bigla nalang nagmukhang 50-anyos na matanda


Lahat ng tao ay dumadaan sa pagkabinata at pagkadalaga. Ito ang yugto sa ating buhay na nais nating sulitin at magtagal dahil dito tayo nagsisimulang mag-ayos ng naaayon sa ating kagustuhan at dito rin natin kadalasan nakikilala ang ating tunay na sarili. Ngunit paano kung sa isang iglap ay magising ka na lamang na ang iyong mala-sanggol na mukha  ay napalitan na ng itsurang singkulubot ng sa mga matatanda? Paano nito maaapektuhan ang iyong pamumuhay at pagtuklas sa iyong tunay na pagkatao?


Ito ang kwento ng isang 16-anyos na dalagita mula sa Cotabato na bigla nalang di umano nagmukhang 50-anyos.


Ayon kay Raizel, bigla na lamang niya napansin na kumukulubot ang kaniyang balat. Nagsimula umano ito sa kaniyang leeg hanggang sa kumulubot na rin ang kaniyang balat sa iba pang bahagi ng kaniyang katawan.


Sa sobrang kulubot ng kaniyang balat ay naihahalintulad niya na ito sa ampalaya dahilan upang siya mismo ay mahiya sa tuwing lalabas siya ng kanilang tahanan.


Marami rin kasi ang nakakapansin sa biglang pagbabago ng kaniyang hitsura. Madalas din siyang tanungin ukol dito ngunit wala rin siyang maisagot dahil maging siya ay hindi niya alam ang nangyayari sa kaniyang sarili.


Wala ng ibang hiling ngayon si Raizel kung hindi malaman ang kaniyang tunay na kondisyon at mawala ang anumang karamdaman na maaaring sanhi ng kaniyang mabilis na pagtanda.


Ang iba pang detalye tungkol sa kondisyon ng dalagita ay itatampok ngayong Linggo (Hunyo 20) sa "Kapuso Mo, Jessica Soho."


Nawa ay marami ang makapansin at magpaabot ng tulong sa kaniya upang matulungan siya sa kaniyang kalagayan.




No comments:

Post a Comment